⚠️ 𝐓𝐑𝐎𝐏𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐘𝐂𝐋𝐎𝐍𝐄 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 ⚠️

SEVERE TROPICAL STORM (STS) #𝐅𝐥𝐨𝐫𝐢𝐭𝐚𝐏𝐇🌀🌧

LOKASYON NG SENTRO NG BAGYO: Nasa katubigan na nasasakupan ng Palanan, Isabela batay sa datos ng PAGASA

LAKAS NG HANGIN: 95 kilometers/hour

BUGSO: 115 kilometers/hour

KILOS O GALAW: Kumikilos sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa direksyon na hilaga hilagang-kanluran

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang lugar sa Luzon dahil sa BAGYONG FLORITA. Inaasahang tatama ang sentro nito sa Isabela land ngayong umaga o Cagayan land bago magtanghali o hapon ngayong araw.

Maaari itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ng umaga.

POSIBLENG EPEKTO SA QUEZON CITY:

Dahil sa may kalayuan ang sentro ng BAGYONG FLORITA, hindi ito makakaapekto sa lungsod, ngunit patuloy na makakaranas ang lungsod ng maulan na panahon dulot ng localized thunderstorms at malakas na Hanging Habagat.

Patuloy na sumubaybay sa Dost_pagasa at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council para sa latest weather update.