Nakatanggap ng overall score na 100% o katumbas na rating na “IDEAL” ang Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment para sa taong 2023.
Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mataas na marka sa Quezon City bilang pagkilala sa iba-ibang programa at adbokasiya ng lungsod na nagbibigay proteksyon sa karapatan at kaligtasan ng bawat kabataan.
Mula sa Quezon City Government, maraming salamat po sa pagkilalang ito. Magsisilbi namin itong inspirasyon upang patuloy na maisulong ang isang ligtas at protektadong komunidad para sa bawat batang QCitizen.