Isang pagbati sa pamunuan ng Wilcon Depot sa inyong 100th Store Milestone!

Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa milestone celebration ng Wilcon Depot kasabay ng kanilang ika-47 na anibersaryo na ginanap sa Shang-ri La The Fort, Manila.

Pinangunahan nina Wilcon Depot Founder and Chairman Emeritus Dr. William T. Belo, Wilcon Depot President and Chief Executive Officer Lorraine Belo-Cincochan, Wilcon Depot Senior Executive Vice President and Chief Operating Officer Rosemarie Bosch-Ong ang selebrasyon na may temang Isang Daan: Wilcon Depot 100th Store Milestone.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Robina Gokongwei, Joey Concepcion, Capt. Stanley Ng, Israel Ambassador to the Philippines H. E. Ilan Fluss, Malaysian Ambassador to the Philippines H. E. Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino, Tessa Prieto-Valdes, Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli, Atty. Lorna Patajo-Kapunan, at Former Senators Nikki Coseteng at Dick Gordon.

Binuksan ang ika-100 store ng Wilcon Depot sa Lubao, Pampanga.

Malaki ang naging kontribusyon ng Wilcon Depot sa ekonomiya ng Quezon City. Dito itinayo ang kauna-unahang Wilcon branch.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 9 branches ng Wilcon sa QC at inaasahan na rin ang pagbubukas ng ika-sampung branch nito sa lungsod ngayong taon.

+10