Congratulations, QC!
Muli nating pinatunayan na mayroong safe space ang mga kabataan at kababaihan sa ating lungsod!
Nakatanggap ng overall score na 105% o katumbas na rating na “IDEAL” ang Quezon City Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children mula sa Regional Inter-Agency Monitoring Team (RIMT).
Ito ay para sa Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Functionality Assessment para sa taong 2023.
Iginawad ang mataas na marka sa Quezon City bilang pagkilala sa iba-ibang programa at adbokasiya na nagbibigay proteksyon sa karapatan at kaligtasan ng bawat kababaihan at kabataan sa lungsod.
Maraming salamat po sa pagkilalang ito. Asahan po ninyo na patuloy na isusulong ng Pamahalaang Lungsod ang pagkakaroon ng isang ligtas at protektadong komunidad para sa mga QCitizen.