Muling nagtipon ang mga local government leaders para sa 105th National Executive Board Meeting ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) na ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria.

Dumalo sa pulong si League of Cities of the Philippines Acting National President at ULAP acting Executive Vice President Mayor Joy Belmonte.

Tinalakay sa pulong ang mga bago at pinahusay na mga benepisyo ng PhilHealth gaya ng mga sumusunod:

*Pagtaas ng benefit package rate para sa hemodialysis kada session

* Mas pinaraming dialysis session kada taon na sagot ng PhilHealth.

* Pagkakaroon ng out patient benefit for mental health

* Z Benefits package para sa breast cancer na aabot sa P1.4-M

Ang 105th National Executive Board Meeting ng ULAP ay pinangunahan ni ULAP President at Quirino Governor Dax Cua.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina DILG Secretary Benhur Abalos, San Juan City Mayor Francis Zamora, Councilor Kate Coseteng, at ibang lokal na opisyal.

+18