Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pagdiriwang ng ika-106 anibersaryo ng makasaysayang pananda ng Barangay Apolonio Samson na dating Barrio Kangkong.

Inumpisahan ang pagdiriwang sa pagsasagawa ng Misa ng Bayan na pinangunahan ni Rev. Fr. Severino Ismael ng Iglesia Filipina Independiente. Kasunod nito ang pag-aalay ng bulaklak sa pananda bilang pag-alala sa mga bayaning nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Mayor Joy ang gagawing pagpapaunlad ng lokal na pamahalaan sa mga historical sites, parks, at pagtatayo ng mga museo sa lungsod. Ito’y bilang bahagi ng pagturing sa QC bilang “birthplace of the revolution.”

Dumalo rin sa programa sina District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Councilor Ellie Juan, Councilor Vic Bernardo, PS-1 Station Commander PLTCOL. Romil Avenido, PS-3 PLTCOL. Morgan Aguilar, Barangay Apolonio Samson P/B Cheche De Jesus at kanyang konseho.

See Translation

+28