Ginunita ngayong araw ang ika-107 Anibersaryo ng Makasaysayang Pananda ng Brgy. Apolonio Samson.

Sa pook na ito ipinasya ng Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ang panghihimagsik laban sa mga Kastila noong ika-23 ng Agosto ng taong 1896.

Dito rin sa lugar na ito, binigyan ni Ginoong Apolonio Samson ang kanyang mga kapwa Katipunero ng pagkain at pansamantalang matitirahan.

Kabilang sa pangkat ng mga Katipunero sila Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Procopio Bonifacio, Teodoro Plata, Aguedo del Rosario, Pio Valenzuela, Briccio Pantas, Alejandro Santiago, Ramon Bernardo, at iba pa.

Dinaluhan ang selebrasyon nina Mayor Joy Belmonte, Coun. Ellie Juan, Coun. Vic Bernardo, Coun. Cocoy Medina, at Punong Barangay Che Che De Jesus.

+44