Nagtipon-tipon ang mga gobernador, alkalde, at mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa 107th National Executive Board meeting ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP).

Kabilang sa mga dumalo sa pulong si Mayor Joy Belmonte na Acting Executive Vice President ULAP, kasama sina ULAP National Executive Board President at Quirino Province Governor Dax Cua at Makati City Mayor Abby Binay.

Tinalakay sa meeting ang ilan sa mga issue sa mga lokal na pamahalaan tulad ng National Tax Allotment sa mga LGU; pagtugon sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa; at ang mungkahi ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na centralization ng issuance ng PWD IDs para maiwasan ang pamemeke nito.

Ang ULAP ay ang umbrella organization ng lahat ng grupo ng mga lokal na pamahalaan at munisipalidad kabilang ang League of Cities of the Philippines (LCP) kung saan Acting President si Mayor Joy.

+9