Nagtipon-tipon sa 111th Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) National Executive Board Meeting ang mga gobernador, alkalde, at iba pang opisyal ng mga lokal na pamahalaan mula sa iba-ibang bahagi ng bansa.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte bilang ULAP Acting National President, kasama sina Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at ULAP Chairperson at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.
Tinalakay sa pulong ang pagpapatuloy ng mga programa, gawain, at operasyon ng ULAP. Kasunod nito, binigyang-pugay ang alaala at naging pamumuno ng yumaong ULAP National President at Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” E. Cua, bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon at ambag sa pagsusulong ng kapakanan at interes ng mga lokal na pamahalaan.










