Sa Quezon City, hindi puwedeng pagtitiis o resilience ang awtomatikong tugon sa anumang suliranin sa kalusugan.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng Quezon City para maisulong ang kalusugan at pangkalahatang kapakanan ng mga QCitizen, sa ginanap na 119th Annual Convention ng Philippine Medical Association (PMA).
Pinalakas ng lungsod ang kakayahan ng primary care facilities, kabilang ang mga health center, para magbigay ng libreng check-up at early detection services.
Kabilang sa mga ito ang pagbibigay ng libreng gamot, mental heath services, cancer care, at HIV/ AIDS programs.
Hinimok niya rin ang mga doktor at mga organisasyon na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa pamahalaan para mabigyan ng de-kalidad na serbisyong kalusugan ang bawat mamamayan.
Kasama ni Mayor Joy sa programa ang mga miyembro at opisyal ng PMA sa pangunguna ni PMA President Dr. Hector Santos Jr.









