Ipinagdiwang sa Barangay Bagong Silangan ang ika-125 anibersaryo ng Labanan sa San Mateo – isang makasaysayang labanan sa pagitan ng mga Katipunerong Pilipino at Amerikano na naganap noong Disyembre 19, 1899.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Pamahaalang Lungsod ng Quezon sa pangununa ni District II Action Officer Atty. Enrile Teodoro, kasama sina Ret. Gen. Elmo San Diego, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, department heads, Mr. Bryan Paraiso ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Punong Barangay Wilfredo Cara at council, Punong Barangay Jojo Abad, at mga opisyal ng Quezon City Police District.

+12