Ginunita ng pamahalaang Lungsod Quezon ang ika-125 Araw ng Kalayaan ng bansa ngayong araw, sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal at department heads.
Sa kanyang talumpati, binigyang pagkilala ni Mayor Joy ang mga pagsisikap ng mga kawani ng pamahalaan at mga lingkod-bayan upang mapabuti ang buhay ng bawat QCitizen.
Dagdag pa niya, nararapat lamang na tuloy tuloy ang paghahatid ng serbisyo para maramdaman ito ng bawat residente, dahil sa ganitong paraan nabibigyang hustisya ang sakripisyo ng mga bayaning nag-alay ng buhay para sa bayan.
Sinundan ang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento ng pambansang bayani na si Jose Rizal sa QC Hall.
Maligayang Araw ng Kalayaan, QC!