Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan
Ipinagdiwang ng pamahalaang Lungsod Quezon ang ika-126 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Quezon City Hall.
Nanguna sa selebrasyon at pag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sina G. Eric Zerrudo, executive director ng National Commission for Culture and the Arts at Mayor Joy Belmonte kasama ang mga opisyal ng lungsod.
Binigyang-pugay ngayong araw ang mga naging sakripisyo ng mga bayaning Pilipino upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa.
Nakiisa sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines, Boy Scouts of the Philippines-QC, 7th Quezon City Veterans District, QC Police District, Division of City Schools, mga konsehal, department heads, at kawani ng pamahalaang lungsod.
Maligayang #ArawNgKalayaan, QC!