Nakiisa ang Quezon City government sa ika-127 anibersaryo ng pagiging martir ni Dr. Jose Rizal na may temang ‘Rizal’s Yesterday Foundation, Living Today.’
Si Dr. Jose Rizal ay itinuturing na pambansang bayani ng Pilipinas, at isinulong ang kalayaan ng bansa.
Pinangunahan nina Vice Mayor Gian Sotto, Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, at District 4 Action Officer Al Flores ang flag raising at wreath-laying sa Quezon City Hall ngayong araw.




