Nag-alay ng bulaklak si Mayor Joy Belmonte kasama sina Vice Mayor Gian Sotto at District 1 Rep. Arjo Atayde bilang paggunita sa ika-128 anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin ngayong araw.
Ipinangako rin Mayor Joy na patuloy na isasaayos at ipepreserba ang mga makasaysayang lugar sa Lungsod Quezon.
Pinasinayaan pa ng Alkalde kasama si National Historical Commission of the Philippines Chairman Regalado Jose Jr. ang redevelopment plan ng lungsod sa Pugad Lawin Shrine.
Sa pangunguna ng Parks and Development Administration Department, layon ng pagsasayos ng shrine ang paglilinis ng mga rebulto, pagdaragdag ng imprastraktura upang mas mapaganda ang shrine, at ang pagkakaroon ng exhibit system na itatahi sa Katipunan.
Nag-alay din ng mga bulaklak ang mga opisyal mula sa QC Council, QC Police District, QC Schools Division Office, Barangay Bahay Toro, Knights of Columbus, District 21 Luzon Central at Maharlika Assembly ACN 1881, at ang United Architects of the Philippines – QC Pugad Lawin Chapter.
Dumalo sa programa sina Chief of Staff Rowena Macatao, Asst. City Administrator Atty. Rene Grapilon, Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. Charm Ferrer, Coun. Bernard Herrera, Coun. TJ Calalay, Coun. Joseph Juico, QC Action Officers, department heads, at Barangay Bahay Toro P/B Victor Ferrer Jr.