Ginugunita ngayong araw ang ika-128 anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin. Sa araw na ito, naganap ang kauna-unahang pagtindig ng mga Pilipino laban sa mga mananakop na Espanyol. Pinagpunit-punit nina Andres Bonifacio at isanlibong katipunero ang kanilang sedula bilang hudyat ng paghihimagsik.

Patuloy nating bigyang-pugay at pagpapahalaga ang ating kasaysayan at ang mga aral ng nakaraan. Sama-sama nating isabuhay ang katapangan at kadakilaang ipinamalas ng ating mga bayani.