Isang mapagpalayang araw, QCitizens! ![]()
Nakibahagi ang Pamahalaan ng Lungsod Quezon sa paggunita ng Ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa isang seremonya bilang pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang pagdiriwang, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga tagapangasiwa ng iba’t ibang departamento ng lungsod, at iba pang panauhin.
Nag-alay rin sila ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal bilang paggunita sa kanyang mahalagang ambag sa kasaysayan ng bansa.
Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Propesor Xiao Chua na nagbahagi ng makabuluhang mensahe tungkol sa kahalagahan ng kalayaan, kasaysayan, at pagkamakabayan sa kasalukuyang panahon.
Nakiisa rin sa programa sina Jude Rolland Ay-Ay, Senior Curator ng Quezon Memorial Shrine mula sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), mga kinatawan ng QC Schools Division Office, Quezon City Police District, at Boy Scouts of the Philippines.










