MABUHAY ANG PILIPINO! ![]()
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa selebrasyon ng ika-129 na anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin upang mag-alay ng bulaklak at magbalik-tanaw sa makulay na kasaysayang naganap dito.
Ayon sa Alkalde, mahalagang tumindig ang bawat Pilipino para sa tama at maging mulat sa anumang uri ng kurapsyon at pananamantala dahil tungkulin ng bawat isa na protektahan ang ating mga komunidad at bayan.
Idinaos ang programa sa Dambana ng Pugad Lawin, na isa sa mga makasaysayang lugar sa lungsod. Dito pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga sedula bilang pagtaliwas sa mga Kastila.
Nakibahagi sa programa sina Councilors Cocoy Medina, Sami Neri, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Quezon City Police District OIC PCOL Randy Silvio, P/B Medi Alcantara, Ismael Magallanes ng National Historical Commission of the Philippines, at QC Department heads.








