Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mabuhay ang Pilipinas! ![]()
Ngayong ika-129 na anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin, ating gunitain at bigyang-pugay ang kagitingang ipinamalas nina Andres Bonifacio at isang libong Katipunero noong ika-23 ng Agosto 1896. Bilang paghihimagsik laban sa mga Kastila, pinagpupunit nila ang kanilang mga sedula na siyang sagisag ng pagkaalipin ng mga Pilipino.
Ang kauna-unahang sigaw ng bayang api ay isa lamang sa mga hudyat na ang Pilipino ay hindi lamang matapang, ngunit higit sa lahat, may paninindigan para sa bayan.






