QCinephiles, tara na’t manood ng pelikula ngayong #QCinema2024!

Iba-ibang genre ng pelikula ang naghihintay para sa mga QCitizen, sa pagbubukas ng ika-12 edisyon ng QCinema International Film Festival.

Sa temang “The Gaze”, ang QCinema ang nagsisilbing daan para sa mga film maker na malayang ipahayag ang kanilang mga ideya.

Ang film festival din ang nagsisiguro na maipapakita at maipapaintindi sa mga manonood ang mensaheng nais iparating ng pelikula.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga QCitizen at iba pang movie enthusiast na patuloy na sumusuporta sa QCinema.

Naging guest speaker naman ng opening night si Film Academy of the Philippines Director General Paolo Villaluna, kung saan ibinahagi niya kung paano magiging tulay ang QCinema sa transition ng pelikula mula traditional papuntang digital o new media.

Naroon din sa QCinema opening night sina Coun. Irene Belmonte, QC Film Commission Executive Director Liza Diño-Seguerra, QCinema Film Foundation Inc. President Manet Dayrit, at QCinema Festival Artistic Director Ed Lejano Jr., National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee, artists Sylvia Sanchez, John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao, at Angel Aquino.

Mapapanood ang 55 full-length films, at 22 short films ng QCinema sa Gateway Mall, Trinoma, Powerplant Mall, at Shangri-La Plaza mula November 8 hanggang 17.

Para sa kumpletong schedule ng mga pelikula, bisitahin ang qcinema.ph.

+27