KUMILOS PARA SA BAYAN! ![]()
![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pag-alay ng bulaklak bilang pagbabalik-tanaw sa ika-130 anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin sa Barangay Bahay Toro ngayong Linggo.
Sa talumpati ni Mayor Joy, binigyang-diin niya na ang tunay na pagiging malaya ay may kamalayan, paninindigan, at may pagkukusang kumilos para sa kanyang kapwa at bayan.
Dumalo bilang panauhing pandangal at nagbahagi ng kanyang mensahe ng pakikibaka si Kabataan Partylist Rep. Atty. Renee Co.
Kasabay ng seremonya, pinasinayaan din ng alkalde ang bagong bihis na Dambana ng Pugad Lawin at Interpretation Gallery.
Tampok dito ang isinaayos na obrang lilok na Katipuneros ni National Artist Napoleon Abueva, kasama ang outdoor theater, at historical gallery na tumatalakay sa magiting na kasaysayan ng rebolusyong Pilipino laban sa Espanya.










