Maligayang kaarawan, Pangulong Manuel L. Quezon!
Sama-samang ginunita ng pamahalaang Lungsod Quezon ang ika-146 anibersaryo ng kapanganakan ni dating Pangulong Manuel Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa.
Nanguna sa pag-alay ng bulaklak sa dambana ni Quezon sina Punong lungsod Joy Belmonte at Pangalawang Punong lungsod Gian Sotto, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Sa mensahe ng panauhing pandangal at tagapangulo ng Commission on Human Rights na si Atty. Richard Palpal-latoc, hinimok niya ang lahat na panatilihin sa puso’t isipan ang mabuting ehemplo at pagmamahal sa bayan na ipinamalas ni Quezon.
Nakiisa sa seremonya ang apo ni Quezon na si G. Emilio Quezon-Avanceña, National Historical Commission of the Philippines Officer-in-Charge, Deputy Executive Director for Programs and Projects Alvin Alcid, District 1 Rep. Arjo Atayde, kinatawan ng iba-ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong organisasyon.
Sa bisa ng Batas Republika Bilang 6741 ng 1989, idineklara ang ika-19 ng Agosto bilang special non-working holiday sa Lungsod Quezon, Lalawigan ng Quezon at Aurora bilang pag-alala sa legasiya ng dating pangulo.