Happy 148th Founding Anniversary, Metropolitan Waterworks and Sewerage System!
Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng ika-148 Founding Anniversary ng MWSS.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang MWSS, sa pangunguna nina Chairperson Elpidio Vega at Administrator Leonor Cleofas, na matagal nang partner ng lungsod.
MWSS ang nagsisiguro na may sapat na supply ng malinis na tubig ang buong Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Sinisiguro rin ng MWSS na ang mga programa nila ay naka-angkla sa environmental sustainability at water security, na kabilang sa mga prayoridad ng lungsod.
Dine-develop ng MWSS at QC ang Balara Filters Park para makapagbigay ng karagdagang green space at pasyalan sa mga QCitizen.
Drinking fountains naman ang handog ng MWSS, katuwang ang mga water concessionaire, sa mga paaralan.








