Pwede pang humabol ng regalo para kay Mommy, Nanay at Mudra ngayong Mother’s Day sa Made in QC Trade Fair sa Phase 1, Level 2, UP Town Center.
Ang ika-14 na Made in QC Trade Caravan ay isang espesyal na serye para sa Mother’s Day ngayong linggo na binisita kanina ni Mayor Joy Belmonte.
Ang MIQC ay isang programa ng Lungsod Quezon na nagsimula sa limang volumes ng aklat. Ibinibida rito ang sari-saring produktong gawa ng QCitizen solo parents, people deprived of liberty, persons with disabilities at mga home based hobbyists, at tungkol sa kanilang pagsimula sa kanilang munting negosyo.
Ang proyektong ito ay itinataguyod ng tanggapan ni Mayor Belmonte, kung saan binigyan ng pag asang sumikat ang mga maliliit na negosyante na naapektuhan ng pandemya.
Ang Made In QC ay may higit na 200 na negosyante mula sa anim na distrito ng Lungsod.