Aabot sa 1,500 tricycle drivers mula District 6 ang nakatanggap ng fuel subsidy mula sa pamahalaang lungsod ngayong araw.
Pinangunahan nina District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, Task Force on Transport and Traffic Management (TFTTM) Tricycle Regulatory Division chief Ben Ibon III, at Kap. Atty. Eric Juan ng Brgy. Talipapa ang pamamahagi ng fleet card na naglalaman ng P1,000. Ipinamahagi ang fleet cards bilang tulong sa mga tsuper na lubhang naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Naisakatuparan ang programa sa pamamagitan ng City Ordinance SP 3100 S-2022 na naglalayong mabigyan ng fuel subsidy ang mga may prangkisang tricycle for hire sa Lungsod Quezon.