Congratulations sa 379 QCitizens na nagsipagtapos sa 158th Manpower Barangay-based Skills Training Program ng Social Services Development Department!
Ang mga graduates ay dumaan sa tatlong buwang vocational training kabilang ang Bread and Pastry Production, Hairdressing, Health Care Services, Massage Therapy, Basic Automotive Servicing, Dressmaking, Sewing Craft, Shielded Metal Arc Welding, Basic Computer Literacy and Contact Center Services, at Housekeeping. Pinagtibay naman ni SSDD OIC Rowena Macatao ang kanilang pagtatapos.
Layon ng programa na madagdagan ang kasanayan ng mga QCitizen upang makapagbukas ng mas maraming oportunidad at pagkakakitaan para sa kanila. Para sa iba pang detalye tungkol sa programa, maaaring tumawag sa Vocational Development Division ng SSDD sa 8-703-3576, mag-email sa vdd.ssdd@quezoncity.gov.ph, o makipag-ugnayan sa inyong barangay.