Pagbati sa 378 QCitizens na nagtapos ng vocational training sa ilalim ng Manpower Barangay-based Skills Training Program ng Social Services Development Department!
Mismong si SSDD OIC Eileen Velasco ang nagbigay ng completion certificates sa mga graduate mula sa anim na distrito ng lungsod.
Kabilang sa mga ino-offer na libreng vocational training ng lungsod ang Bread and Pastry Making, Basic Catering Services, Hair Care Services, Basic Beauty Care Services, Health Care Provider, Basic Automotive Servicing, Reflexology and Massage Services, Basic Dressmaking, Basic Welding, Basic Computer Literacy, at Basic Housekeeping.




