Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pag-alay ng bulaklak ngayong araw bilang paggunita sa ika-162 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.
Layon ng pag-alaala na bigyang pagpapahalaga ang mga ipinaglaban ng ating mga bayani at ang di-mabilang na sakripisyo para sa kalayaan at pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Nakiisa sa programa sina Councilor Cocoy Medina, City Administrator Michael Victor Alimurung, Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, at District Action Officers Ollie Belmonte at Atty. Mark Aldave.
Nakibahagi rin si Ms. Janice Manipon mula sa National Historical Commission of the Philippines, mga pinuno ng iba-ibang departamento ng lungsod, at mga opisyal ng barangay.








