Nag-alay ng bulaklak ang Quezon City Government sa rebulto ni Dr. Jose Rizal bilang paggunita sa ika-163 birth anniversary ng bayani.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Coun. Marra Suntay, Coun. Nanette Castelo-Daza, Coun. Charm Ferrer, at Coun. TJ Calalay ang programa, kasama ang mga kinatawan mula sa iba-ibang opisina ng lokal at pambansang pamahalaan, at mga barangay.
Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Mayor Joy ang mga QCitizen na gawing inspirasyon si Dr. Jose Rizal at mahalin at pangalagaan ang komunidad at Pilipinas.