Pasko na sa Quezon City – and we make it eco-friendly and sustainable! 🎄✨

Pinupulido na ang disenyo at electrical wiring ng 16-feet na wooden christmas tree at palm nativity sa Quezon Memorial Circle.

Ang Christmas Tree ay gawa sa mga naipong sanga ng puno na nabuwal noong mga nagdaang bagyo, at mga lumang materyales na ginamit sa mga dating palamuti.

Nakaukit din dito ang mga salitang “Love”, “Hope”, “Prosperity”, “Peace”, “Happiness”, at “Joy” na isinasaalang-alang ng mga QCitizen sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Ang palm nativity naman, na nakatayo malapit sa Peace Bell, ay binuo gamit ang mga kahoy, bao, at dahon ng palma. Sumisimbulo naman ito sa katatagan ng mga mamamayan sa mga pagsubok na kinakaharap nila.

+12