Nagtapos ang 288 QCitizens mula sa iba-ibang barangay ng lungsod sa pamamagitan ng 172nd Manpower Barangay-Based Skills Training Program (MBBSTP) ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Social Services Development Department (SSDD).
Sumailalim ang mga nagtapos sa vocational trainings tulad ng Basic Hair Care Services, Tile Setting, Basic Barista, Basic Housekeeping, Basic Computer Literacy and Call Center Service, Basic Bread and Pastry Making, Sewing Craft, Health Care Provider, Motorcycle Small Engine System, at Basic Welding.
Sa pamamagitan ng MBBSTP, nabibigyan ang mga QCitizen ng praktikal na kasanayang magagamit sa paghahanap ng trabaho o pagsisimula ng sariling kabuhayan.
Pinangunahan ni SSDD Head Lorelei Salvador ang seremonya, kasama sina Supervising Manpower Development Officer na si Jovencio Gabriel at ilan sa mga Punong Barangay na sumuporta sa pagtatapos ng kanilang mga residente.










