Nakilahok ang mga social worker, medical professionals, teachers, guidance counselors, NGO workers, mga kawani ng local government units, mga magulang, at mga indibidwal na nagunguna sa women and children protection sa ikalawang araw ng 17th Ako Para sa Bata Conference.
Tinalakay sa plenary sessions ang kasalukuyang estado ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa bansa at ang kahalagahan ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa lipunan, lalo na ang kabataan, para labanan ito.








