Pinangunahan ng Quezon City Public Library sa pamumuno ni Mariza Chico ang “17th NCR Congressional Districts and City Libraries Meeting & Updates”.

Tinalakay ni Mayor Joy Belmonte ang halaga ng pagkakaroon ng library sa bawat lungsod at kung paano ito nakakatulong upang mahubog at matuto ang mga residente.

Sa ngayon, mayroon nang 31 branches ang Quezon City public libraries sa iba-ibang barangay.

Maaaring manghiram ng libro ang lahat sa public libraries, pati kahit hindi taga-QC.

+6