Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Mayor’s Night bilang bahagi ng 19th General Assembly ng Philippine Federation of Local Councils of Women Inc.
Ibinahagi ng alkalde ang mga napagtagumpayan ng pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng mga programa para sa kababaihang QCitizens.
Dagdag pa niya, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga lider na kababaihan lalo na sa larangan ng pulitika at pamamahala.
Naimbitahan din bilang panauhin si Sen. Imee Marcos at nagbigay ng mensahe ukol sa mga polisiyang isinusulong ng national government.
Nanguna sa general assembly sina PFLCW, Inc. President Dr. Evelyn Uy at Founding Chairperson Dr. Myrna Yao.