QC WINS 2 GANDINGAN AWARDS!
Naiuwi ng Quezon City Government, sa pamamagitan ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ang dalawang parangal mula sa 19th University of the Philippines Los Baños – ComBroadSoc Gandingan Awards (UPLB Gandingan Awards).
Itinanghal na Major Awardee bilang UP ComBroadSoc’s Choice for Gandingan ng Kasaysayan ang historical documentary na ginawa ng PAISD na “QC: The Birthplace of Our Nation.” Nagsilbing host ng historical tour si Prof. Xiao Chua.
Kinilala rin ang “Special Report” program ng QC-PAISD bilang Most Development-Oriented Video sa ilalim ng General Awards category.
Nominado naman si Mayor Joy Belmonte sa Gandingan ng Kalikasan, sa host and personality category, para sa kanyang patuloy na pagsulong sa mga green and sustainable initiatives ng lungsod.
Walo namang programa ng PAISD ang naging nominado sa UPLB Gandingan Awards 2025. Ito ay ang UsapangQC, Explore QC, KwentongQC Shorts, HealthyQC, at QC’s Expanded Scholarship Program.
Nominado rin ang mga communication plans na binuo ng PAISD upang palakasin pa ang mga inisyatibo ng QC para sa environment, women’s rights, at gender equality.
Personal na tinanggap ni PAISD Chief Engelbert Apostol at mga kawani ng departamento ang mga naturang awards.




