QC wins Gandingan Awards!
Nagpasalamat si Mayor Joy Belmonte sa mga bumubuo ng 19th University of the Philippines Los Baños – ComBroadSoc Gandingan Awards (UPLB Gandingan Awards).
Kasunod ito ng pagkamit ng dalawang parangal ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD).
Itinanghal bilang UP ComBroadSoc’s Choice for Gandingan ng Kasaysayan ang historical documentary na “QC: The Birthplace of Our Nation” na ginawa ng PAISD. Kinilala rin ang programang Special Report bilang Most Development-Oriented Video sa General Awards category.
Nominado rin si Mayor Joy sa Gandingan ng Kalikasan sa host and personality category, bilang pagkilala sa kanyang patuloy na pagsusulong ng mga maka-kalikasan at sustainable initiatives sa lungsod.
Walo pang programa ng PAISD ang nakasama sa listahan ng mga nominado ngayong taon, kabilang ang UsapangQC, Explore QC, KwentongQC Shorts, HealthyQC, at QC Expanded Scholarship Program. Nominado rin ang mga communication plans na tumutulak sa adbokasiya para sa kapaligiran, karapatan ng kababaihan, at gender equality.
Dahil sa mga tagumpay na ito, mas determinado ang Quezon City Government na ipagpatuloy at paghusayin pa ang pagbibigay ng tama, makabuluhan, at de-kalidad na impormasyon para sa bawat QCitizen!

