TREES FOR THE FUTURE!
Inumpisahan na ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) ang kanilang tree planting initiative sa Lungsod Quezon ngayong araw.
Layon ng programang ito na makapagtanim ng 85 tree seedlings sa 85 open spaces sa lungsod, bahagi ito ng mga aktibidad para sa 85th founding anniversary ng QC.
Ang QC’s One Million Tree program ay inisiyatibo ni Mayor Joy Belmonte upang mabawasan ang epekto ng climate change. Bukod sa ikagaganda ng lungsod, ang mga punong ito ay makababawas din sa dinadanas na urban heat at floodings sa QC.
Katuwang ng CCESD ang SM City Novaliches at Barangay San Bartolome sa pagtatanim ng 85 fruit-bearing seedlings sa multi-purpose hall ng barangay. Ang mga punlang ito ay avocado, guyabano, langka, atis, at rambutan.
Dumalo sa programa sina CCESD head Andrea Villaroman, Barangay San Bartolome P/B Rizza Pascual, SM City Novaliches Mall Manager Vincent Chua, at Assistant Mall Manager Maria Galgal.