BOOK MOBILE SA CIRCLE!
Ipinagdiwang ng Quezon City Public Library (QCPL) ang unang anibersaryo ng kanilang Book Mobile at Pop-Up Library sa Quezon Memorial Circle (QMC) ngayong araw.
Napuno ito ng mga aktibidad para sa kabataang QCitizens na bumisita sa parke, mula sa face painting, storytelling, photobooth, educational games, puppet show, at bookfair.
Matatagpuan sa QMC Playground ang Book Mobile ng QCPL tuwing Sabado mula 9:00AM hanggang 12NN.




