Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng lungsod sa pagpo-protekta ng kalikasan at pagtugon sa climate change sa 1st Bayi Power Summit sa Quezon City M.I.C.E. Center.
Sa Quezon City, prayoridad ang pagbuo ng mga makakalikasang polisiya at proyekto. Aabot sa 13 percent ng kabuuang budget ng lungsod ang inilalaan para sa mga inisyatibong pangkapaligiran.
Tinitiyak din na lubos na naiintindihan ng mga QCitizen ang mga isyu sa climate crisis, at inaalam ang kanilang mga concern at suhestyon para matiyak na maayos at nakaayon sa kanilang pangangailangan ang mga isasagawang programa.
Sinisiguro naman ng lokal na pamahalaan na lahat ng mga proyekto at ordinansa ay nakalinya at nakaayon sa Enhanced Local Climate Change Action Plan para makamit ang net-zero emissions sa 2050.
Ang Bayi Power Summit ay two-day conference na nagtitipon sa mga kababaihang lider para maisulong ang gender responsive leadership at mga inklusibong polisya.




