Ganap nang National Shrine ang Our Lady of Mercy ng Novaliches!
Kahapon, itinanghal ang simbahan bilang Pambansang Dambana ng Mahal na Ina ng Awa, na kasabay din ng ika-168 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito, at ika-16 taong pagiging Diocesian Shrine ng Novaliches.
Isa sa mga naging saksi ng makasaysayang deklarasyon si Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga pari, opisyal ng simbahan, government officials, at mga deboto at parishioners.
Pinangunahan naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na misa kagabi, na hudyat din ng pagsisimula ng novena mass.
Ang pagiging National Shrine ng Diocese and Parish of Our Lady of Mercy of Novaliches ay bunga ng mayaman nitong kasaysayan, kultura at tradisyon, at makabuluhang ambag sa Simbahang Katolika. Ito ay nagsisilbi sa mga mamamayan ng lungsod ng Quezon at Caloocan.
Pinaunlakan din nina Coun. Joe Visaya, Coun. Ram Medalla, Coun. Aiko Melendez, Coun. Shay Liban, Coun. Mutya Castelo, District 5 Action Officer William Bawag, Sta. Monica Chairperson Charlie Manalad, at Novaliches Proper Chairperson Cion Visaya ang programa.