May is Responsible Gambling Awareness Month in QC!
Idineklara ni Mayor Joy Belmonte ang buwan ng Mayo bilang Responsible Gambling Awareness Month sa QC kasabay ng pagdaos ng 1st International Conference on Responsible Gambling and Gaming Addiction.
Binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan na matugunan agad ang negatibong epekto ng pagsusugal, at mga hakbang ng pamahalaang lungsod upang isulong ang ‘responsible gambling and gaming’ sa QC.
Nagpahayag naman ng suporta si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Alejandro H. Tengco sa inisyatibo ng pamahalaang lungsod tungo sa pagbibigay ng mental at psychosocial treatment and rehabilitation sa mga indibidwal na nalulong sa sugal.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Seagulls Flock Organization sa pangunguna ni Chairperson Chit Castillo katuwang si CEO & Clinician Ms. Jody Bechtold ng The Better Institute, at International Gambling Counselor Certification Board (IGCCB).
Nagsilbing keynote speaker sa conference si Dr. Marc N. Potenza, Professor of Psychiatry, Child Study and Neuroscience ng Yale School of Medicine.