Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod Quezon, sa pamamagitan ng QC PESO Migrant Resource Center, ang 1st Multi-Stakeholder Conference on Migration and Development noong Hunyo 23–24, 2026 sa Ardenhills Suites.
Sa temang “Advancing Inclusive Local Migration Governance,” nagtipon ang mga kinatawan mula sa international organizations, national and local governments, at civil society upang balangkasin ang Quezon City Migration and Development Action Agenda, na magsisilbing gabay sa mga patakaran para sa mga OFW at kanilang pamilya.
Pormal na binuksan ang programa ni Rogelio L. Reyes, MCD (PESO Manager), na sinundan ng mga mensahe nina Atty. Vincent Belmonte (District 4 Councilor), Ellene A. Sana (Executive Director, Center for Migrant Advocacy), Usec. Bernard P. Olalia (Department of Migrant Workers), at Tristan A. Burnett (Chief of Mission, IOM). Inilahad naman ni Crysthel Zyra Abugadie (Helpdesk Officer, QCPESO) ang estado ng migration and development governance ng lungsod.
Itinampok sa unang araw ang tatlong panel discussions: Migrant Protection and Referral Pathways (OWWA-NCR, Pin@y Careworkers Transnational, at CFO); Reintegration and Livelihood (DMW-NRCO, PASEI, at Cooperative Development Authority); at Family Resilience (UGAT Foundation/Smart Child at Scalabrini Migration Center).
Sa ikalawang araw, pinangasiwaan nina Rhye Labrador (QCPESO) at Andrea Luisa C. Anolin (DMW-NRCO) ang mga breakout sessions, kasunod ang special session nina Ahmed Al Mazrouie at Abdullah AlHathoor (PCLA-Dubai) at synthesis ni Tatcee Macabuag (Migrant Forum in Asia).
Ang conference na ito ay nagpapatibay sa dedikasyon ng lungsod na maghatid ng inklusibo, makatarungan, at mapagkalingang programa para sa bawat migranteng manggagawa at kanilang pamilya.










