Congratulations, Quezon City Kabahagi Center for Children with Disabilities!
Nagwagi ang QC Kabahagi Center sa 2024 Gelia Castillo Award for Research in Social Innovations in Health (GCARSIH) para sa proyektong “Rehabilitation for All: Flexicoaching as a Sustainable Model for Universal Access to Disability Care”.
Sa 70 entries mula sa iba-ibang pribado at pampublikong institusyon sa buong bansa, tatlo ang napiling outstanding projects kung saan itinanghal na 1st place ang proyekto ng QC Kabahagi Center.
Ang mga napiling top innovation ay makakatanggap ng cash prize, eligibility sa funding ng research at development project, training, at workshop.
Ang GCARSIH ay binuo ng Department of Health – Philippine Council for Health Research and Development upang bigyang pagkilala ang mga outstanding social innovation na tumutugon sa mga isyung panlipunan at hamon ng health system sa bansa.