Proteksyon para sa mga nangangailangang sektor!
Aabot sa 2,500 residente mula District 1 hanggang District 6 ang naging benepisyaryo sa ginanap na “1st QC Informal Workers Assembly” sa Quezon City Hall ngayong araw.
Layon ng lokal na pamahalaan na mas makilala pa ang mga residente at malaman ang kalagayan ng mga nasa vulnerable sector.
Lumagda si Mayor Joy Belmonte ng Pledge of Commitment upang masiguro na bibigyan ng proteksyon at suporta ang mga informal worker sa lungsod.