Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa 1st quarter meeting ng Regional Peace and Order Council – National Capital Region (NCR), host city ang Lungsod Quezon para sa pulong ng konseho na idinaos sa QC MICE Center ngayong araw.
Sa talumpati ng Alkalde, binigyang-diin niya na mahalaga ang tungkulin ng konseho upang masiguro at mapanatili ang kaligtasan ng taumbayan at mga komunidad sa Metro Manila.
Bahagi ng mga paksa sa pulong ang peace and order situation sa NCR, mga paghahanda sa nalalapit na eleksyon, updates kontra sa iligal na POGO, at pagpapalakas sa ng kampanya laban sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC).
Pinangunahan ni Mayor Joy ang council meeting kasama sina Department of the Interior and Local Government – NCR Regional Director Maria Agustin, NCR Police Office Acting Regional Director PBGen. Anthony A. Aberin, AFP Joint Task Force – NCR Commander BGen. Eric Macaambac, Philippine Drug Enforcement Agency – NCR Regional Director Emerson Rosales, Philippine Drug Enforcement Agency – NCR FFSUPT. Bonifacio Carta, mga miyembro ng konseho at kinatawan ng mga syudad sa Metro Manila.




