Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang First Quarter Mental Health Council meeting na ginanap kahapon.
Nakiisa ang mga pinuno ng iba- ibang tanggapan at katuwang na sektor upang paigtingin ang mga inisyatiba ng lungsod para sa mental health at kapakanan ng mga QCitizen.
Kabilang sa mga dumalo sina City Health Department Head Dr. Ramona Abarquez, Rosario Maclang Bautista General Hospital Director Dr. Dave Vergara, Novaliches District Hospital Director Dr. Luzviminda Kwong, at iba pang miyembro ng MHC.








