Nakiisa ang mga kawani ng Lungsod Quezon sa isinagawang 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw.
Matapos mag-duck, cover, at hold, agad na lumikas ang mga empleyado at nagtungo sa designated evacuation areas sa loob ng compound.
Agad ding isinagawa ang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa lahat ng gusali para masigurong ligtas at walang natamong bitak dahil sa ‘pagyanig’.
Ang NSED ay bahagi ng mga inisyatibo ng lungsod bilang paghahanda sakaling magkaroon ng sakuna.




