Idinaos sa Quezon City Hall ang 1st quarterly meeting cycle na pinangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD NCR) katuwang ang QC Social Services Development Department (SSDD).
Tinalakay sa pagpupulong ang patuloy na implementasyon ng Supplementary Feeding Program. Sa ilalim ng proyektong ito ng DSWD binibigyan ng masustansyang pagkain ang mga batang naka-enroll sa Child Development Centers at Supervised Neighborhood Play Groups.
Dumalo rin si Social Services Development Department OIC Rowena Macatao at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan sa NCR.