Upang makapagbuo ng mga programang lubos na makatutulong sa mga QCitizens, pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, City Administrator Michael Alimurung, at Department of the Interior and Local Government QC Field Office Dir. Manny Borromeo ang 1st Quezon City Legislative Executive Advisory Council (LEDAC) Meeting kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga pinuno mula sa iba-ibang departamento sa Pamahalaang Lungsod Quezon.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng Legislative Executive Agenda (ELA) at Capacity Development Agenda (CapDev) workshop para sa pag buo ng mga prayoridad na programa ng legislative at executive departments base sa Comprehensive Development Plan.
Inilahad ni Mayor Belmonte ang mga programa ng lungsod sa susunod na tatlong taon para sa social services, economic development, environment and climate change, infrastructure, at institutional development. Ayon sa alkalde, mahalagang maisakatuparan ng pamahalaang lungsod ang 14-point agenda tungo sa malinis, maayos at mabuting pamamahala.
Sinuportahan naman ng city council sa pamumuno ni Vice Mayor Sotto ang mga inilahad na programa ng ehekutibo sa pamamagitan ng paghahain ng mga ordinansa katuwang ang mga konsehal sa anim na distrito ng lungsod.