Pinasalamatan ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at lahat ng nakiisa sa pagtatapos ng 1st Quezon City Legislative Executive Advisory Council (LEDAC) Meeting. Nakiisa rin si Department of the Interior and Local Government NCR Regional Dir. Maria Lourdes Agustin at Ms. Ana Jury Castillo bilang resource speaker sa naturang seminar-workshop.
Ginanap ang LEDAC, Executive and Legislative Agenda, at Capacity Development Agenda bilang paghahanda sa pagbuo ng mga programa at polisiya na lubos na makatutulong sa mga QCitizens sa mga susunod na taon.